Showing posts with label Our thoughts running in our minds. Show all posts
Showing posts with label Our thoughts running in our minds. Show all posts
0

Life is DULL without Nemo

November 13, 2008.


"alam mo, kaya gusto ko maging clown eh, para makalimutan mo yung past mo, gusto ko palagi kita napapasaya" -- Mitch (Nemo)

Dahil sa sinabi niyang yan, kaya naisipan kong magblog. Ang saya saya ko kasi. Sobrang hindi ako nagkamali sa kanya. Hindi ako nagsisisi na siya yung minahal ko. Sobrang ang dami kong nagustuhan sa kanya pero still, no words can describe how much I love him.

Sobrang unique niyang tao. He makes me smile in a different way. sobrang dami niyang nagawa sa akin na ALL FOR THE FIRST TIME., Kahit napaka-simple lang niyang tao, he's full of surprises. And to imagine, mas-matured ako sa kanya, pero he still manage to make our relationship strong. Isa talaga sa mga nagustuhan ko sa kanya, is his UNIQUENESS. Sobrang unique niya talaga.. Siya lang yung tanging lalaki na nagdala sa akin sa simbahan ng araw ng birthday ko, yung tipong kaming dalawa lang with God. Tapos lahat ng Hello kitty na binigay niya sa akin, pinaghirapan niya talaga, as in with effort - hindi lang basta basta binili. Tapos, magaling din siyang magluto.. so far, Pritong Chicken/bangus, Beefstake saka Sinigang palang yung mga natikman ko, grabe SARAP NIYANG MAGLUTO. (pareho namin fave yung Dinuguan) hehe.. Tapos, super NEIGHBORS lang kami, ang small world, ang lapit na pala niya sa akin pero ngayon ko lang siya nakilala. Ang galing talaga ni Lord.

Isa pa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay yung mga panahong BLUE MOON. Kasi natutuwa ako kasi mataas yung RESPECT niya sa akin. Hindi siya tulad ng iba na ******. Siya, hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayokong gawin. Hindi rin niya ako pinag-babawalan sa mga bagay naman na gusto kong gawin. Ang sarap kasi nagbibigayan kami sa isa't-isa. Isa yan sa mga dahilan kung bakit masaya ako sa relasyon namin., kasi marunong kaming magBIGAYAN sa isa't-isa.

Isa pa pala -- mga SIMPLENG BANAT niya.. Super napapa-ngiti niya talaga ako kapag lagi niya ako sinasabihan ng mga biglaang banat niya sa akin. Parang walang araw na hindi siya bumabanat mapangiti lang niya ako.

And lastly, we're starting to SAVE MONEY. haha.. Just giving it a try para naman may nadudukot kami kapag need namin ng pera.. Saka additional money narin for our 100th day sa January 31. =) hoho.. I'm so in-love with our tandem. maliban sa pareho kaming chubby, pareho rin kaming cute.. hoho.. *shung*

"Take me as I am - take my life I would give it all - I would sacrifice"
0

"US" without "commitments"

October 13, 2008.

hindi ko alam paano ko sisimulan ang lahat. pero ang dami kong gustong ilabas dito. kaso marami rin ang hindi makaka-intindi kung bakit kailangan ko pang idaan sa blog, pero wala nalang paki-alamanan.. gusto ko lang ilahad sa buong mundo kung gaano ako kasaya ngayon ng dahil sa kanya..

tama si ate ea.. minsan, sa pagsasabi ng totoo, doon nagiging masaya ang isang tao. Hindi ko alam na ganun pala kasaya at kasarap ang feeling. Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari. Natatakot nga ako kasi baka biglang bawiin ni Lord ang lahat tulad ng nangyari sa akin dati. Sa sobrang saya ko

Inamin ko ang lahat sa kanya.. aminin ko, i'm expecting something in return.. pero siguro it last mag 3 days lang.. after nung confession ko sa kanya, parang wala lang nangyayari.. until a week after -- ang daming changes na nangyari.. no need to detail it, pero naging close kami sa isa't-isa. as in CLOSE.

Masaya talaga yung feeling ng may nag-aalala sayo, may nagtetext kung naka-uwi ka na ba.. at minsan ang sabihan ka ng "miss na kita agad". It sounds cheesy pero for me, kahit ang babaw, sobrang tumataba talaga yung puso ko -- no wonder mabilis ako maloko ng iba diyan.,. pero mas-ok naman na siguro na maloko ako kaysa naman manloko ako ng iba diba?

days then, he called me "hugs" and i called him "nemo". lahat ata ng nangyayari sa buhay namin eh alam namin. ultimo pag-tae at pag-utot.. hehe.. nakakatakot lang kasi baka makasanayan kong ganito. kaya as of now, medyo umiiwas ako ng pa-onti-onti.. tulad ng hindi ko pagsabay sa kanya pag-uwi (fyi, magkapitbahay kami).. tapos hindi rin ako nagload para di na ako makatext sa kanya,., minsan hindi ko matiis pero kailangan para hindi ako umasa.

"as of now, gusto ko lang muna maging so close tau" -- yan ang binitawang salita niya sa akin nung nagtanong ako kung anu ba talaga kami. Ok naman sa panrinig although medyo masakit na sakto lang.. *gulo noh?* pero parang hindi naman kami so close ngayon -- as in super close na.. ang saya.. ang sarap ng feeling..

ngayon.. I'm paying back the sweetness he's giving me already. Hindi man ako si Maria Clara na di makabasag-pingan, hindi parin naman ako yung tipo ng babaeng basta-basta lang. Siguro kaya ganun yung tingin ng ibang tao sa akin kasi sadyang mapagbigay lang talaga ako. Hindi ako marunong magtaray or whatever you call that. Ito ang weakness ko kapag nagmamahal ako -- 100% nawawala sa akin. hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga ako. sa ngayon, I'm still looking at the scenario and i'm flowing through its mist. Masaya na ako sa ganitong sitwasyon namin. In-fact, super inspired ako mag-aral ngayon.

Kanina nga lang.. may unforgetable moment na naman ako kasama siya.. di ko na ikwe-kwento kasi sa amin nalang yun,, basta.. clue: ayoko nang hugasan yung left hand ko..lolz=P

sana si cookies & cream -- Nemo na talaga ang last ko.. sana talaga.. hindi ko ipagdadamot sa kanya ang faith at loyalty ko para sa knya.. i'm willing to do that. He deserves it.

♥♥♥ Achie

0

Gloomy Sunday

October 05, 2008.



* We're talking via Yahoo Messenger. And we are talking about "US".
0

The First Move

September 30, 2008
The First Blog I (Achie) wrote for him.

"This heart, it beats, beats for only you"

I've been thinking of blogging these things that has been bothering me this past few days. See, I had this crush, and let's just cover him as my cookies n' cream, and as i said- crush. Then eventually.. more than that.

I stay up late unitl 8pm just to wait for him and we go along our way home together., knowing that I finish my class at 2pm, 5pm, or sometimes at 12nn. Then, there was these 2 bagyos already, and together, sinugod namin yung baha that time, knowing na pwedeng-pwede akong sunduin nila mommy, it's just that, ayoko. kasi gusto ko siya kasama at wala rin siyang kasama pag nagpasundo ako. Last sunday, I brought him food (Dinuguan), not sure if he's coming or not. *good thing, he came.*

Those are small things that I never regret to do for him. I openly-hearted does those things just to see him and just to let him feel that someone is caring for him. All the while, I know, that he's really not into me. But I don't want to think about that, I just want to give my heart, for him, unconditionally.

2 days, before blogging this, I went to a difficult situation, wherein, he just saw and read my past blogs about the songs that I dedicated to him and we went on YM. we talked, but not as serious as like the couples out there. but somehow, we clear things up. Pero hindi parin ako naliwanagan that time. I was still confused and worried. 1st day came after the confession, nothing happened. As if nothing happened. the 2nd day, which was yesterday, we went on text. I even wrote our conversation on a piece of paper. Half-written there -- is he was asking "why him?" and all about infatuation.

I was hurt. That's my point. masakit. pero.. I have to do this, to know where will I stand. The night, I went back to the "natural me". Everything happened like the same ordinary days na parang walang aminan na nangyari. I was so normal that time, the boisterous laughters and the maligalig anna or whatever you call me, was me! Parang wala talagang nangyari.

I pretend to be happy, to be honest. Pero I lately realize, I can't push myself to a person who doesn't want me to be his leading lady. Kaya naisip ko, mas-ok na siguro na ganito, kaysa naman sa wala. Sabi nga ni ate ea, I'd rather have him halfway than nothing at all.. kaya why not try to be friends nalang with him, since yun naman talaga status namin ngayon. Basta importante sa akin, I'm willing to wait (sorry, hindi ako si maria clara, i'm just being honest)...

If it happens na mabasa mo toh -- don't get pitty on me. I just want to burst out the emo side into writing. Di ko na kasi alam kung anu gagawin ko, kaya dinaan ko sa blog. ok? I'm still the "anna" that you met before. I assure ngayon, na wala na talagang magbabago. Hindi na ako maiilang, hindi na ako iiiwas at lalong hindi na ako mag-iinarte kakatanong sayo. I think i know NOW that I'M IN THE RIGHT PLACE.

"At some point, you will realize that you have done too much already for someone,

that the only next possible step to do is to leave him alone."

Related Posts with Thumbnails

PLUG: Nemo Chichi Online Shop

Hi guys! Nemo Chichi Contact Lens Online Shop IS NOW OPEN FOR BUSINESS!


Visit, ADD or LIKE US at:
 
Copyright © Nemo ♥ Achie
Blogger Theme by BloggerThemes & Chethstudios
Design by Metalab Modified Background by Anna