Papa Knows.

February 01, 2009


Alam na ni papa ang lahat. Hindi pa masyadong detalyado kasi hindi pa kami nagkakausap sa personal, pero sa offline message niya sa akin, mukhang ok lang naman sa kanya, basta ang importante ay hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.

Dahil sa mga binitiwang salita ni papa, para akong nabunutan ng isang tinik (tatlong tinik nalang!! yehey!), gumaan ang loob ko, alam kong mabait si papa at naiintindihan niya ako kaya wala akong dapat ikabahala. Ang ikinatatakot ko lang, parang hindi pa kasi ito ang tamang panahon para sabihin o aminin na sa kanila.

Una sa lahat, plano ko talaga ipakilala si Mitch right after grad (kung hindi na ako makapaghintay) or kapag -- as in "kapag" naka-pasa na ako sa board exam (NLE). Right there and then, I'm saying it loud and proud kung gaano ko kamahal si Mitch. But still, that's not an assurance, but somehow, telling them the truth, will also set us free.

Ang focus nalang namin ni Mitch ngayon, is mag-aral muna ng mabuti, just like ng sinabi ko kay papa at yung pinag-usapan namin ni mitch na, sabay namin aabutin yung mga pangarap namin, so we're taking it slowly, one step at a time. We're hoping na magagawa namin ang lahat ng best namin with our 2 hands, 2 minds and 2 hearts.

"Thank you papa... Alam kong malaki ang tiwala mo sa akin,
kaya hindi kita bibiguin... I love you!! "


♥♥♥ Achie.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

PLUG: Nemo Chichi Online Shop

Hi guys! Nemo Chichi Contact Lens Online Shop IS NOW OPEN FOR BUSINESS!


Visit, ADD or LIKE US at:
 
Copyright © Nemo ♥ Achie
Blogger Theme by BloggerThemes & Chethstudios
Design by Metalab Modified Background by Anna