"US" without "commitments"

October 13, 2008.

hindi ko alam paano ko sisimulan ang lahat. pero ang dami kong gustong ilabas dito. kaso marami rin ang hindi makaka-intindi kung bakit kailangan ko pang idaan sa blog, pero wala nalang paki-alamanan.. gusto ko lang ilahad sa buong mundo kung gaano ako kasaya ngayon ng dahil sa kanya..

tama si ate ea.. minsan, sa pagsasabi ng totoo, doon nagiging masaya ang isang tao. Hindi ko alam na ganun pala kasaya at kasarap ang feeling. Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari. Natatakot nga ako kasi baka biglang bawiin ni Lord ang lahat tulad ng nangyari sa akin dati. Sa sobrang saya ko

Inamin ko ang lahat sa kanya.. aminin ko, i'm expecting something in return.. pero siguro it last mag 3 days lang.. after nung confession ko sa kanya, parang wala lang nangyayari.. until a week after -- ang daming changes na nangyari.. no need to detail it, pero naging close kami sa isa't-isa. as in CLOSE.

Masaya talaga yung feeling ng may nag-aalala sayo, may nagtetext kung naka-uwi ka na ba.. at minsan ang sabihan ka ng "miss na kita agad". It sounds cheesy pero for me, kahit ang babaw, sobrang tumataba talaga yung puso ko -- no wonder mabilis ako maloko ng iba diyan.,. pero mas-ok naman na siguro na maloko ako kaysa naman manloko ako ng iba diba?

days then, he called me "hugs" and i called him "nemo". lahat ata ng nangyayari sa buhay namin eh alam namin. ultimo pag-tae at pag-utot.. hehe.. nakakatakot lang kasi baka makasanayan kong ganito. kaya as of now, medyo umiiwas ako ng pa-onti-onti.. tulad ng hindi ko pagsabay sa kanya pag-uwi (fyi, magkapitbahay kami).. tapos hindi rin ako nagload para di na ako makatext sa kanya,., minsan hindi ko matiis pero kailangan para hindi ako umasa.

"as of now, gusto ko lang muna maging so close tau" -- yan ang binitawang salita niya sa akin nung nagtanong ako kung anu ba talaga kami. Ok naman sa panrinig although medyo masakit na sakto lang.. *gulo noh?* pero parang hindi naman kami so close ngayon -- as in super close na.. ang saya.. ang sarap ng feeling..

ngayon.. I'm paying back the sweetness he's giving me already. Hindi man ako si Maria Clara na di makabasag-pingan, hindi parin naman ako yung tipo ng babaeng basta-basta lang. Siguro kaya ganun yung tingin ng ibang tao sa akin kasi sadyang mapagbigay lang talaga ako. Hindi ako marunong magtaray or whatever you call that. Ito ang weakness ko kapag nagmamahal ako -- 100% nawawala sa akin. hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga ako. sa ngayon, I'm still looking at the scenario and i'm flowing through its mist. Masaya na ako sa ganitong sitwasyon namin. In-fact, super inspired ako mag-aral ngayon.

Kanina nga lang.. may unforgetable moment na naman ako kasama siya.. di ko na ikwe-kwento kasi sa amin nalang yun,, basta.. clue: ayoko nang hugasan yung left hand ko..lolz=P

sana si cookies & cream -- Nemo na talaga ang last ko.. sana talaga.. hindi ko ipagdadamot sa kanya ang faith at loyalty ko para sa knya.. i'm willing to do that. He deserves it.

♥♥♥ Achie

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

PLUG: Nemo Chichi Online Shop

Hi guys! Nemo Chichi Contact Lens Online Shop IS NOW OPEN FOR BUSINESS!


Visit, ADD or LIKE US at:
 
Copyright © Nemo ♥ Achie
Blogger Theme by BloggerThemes & Chethstudios
Design by Metalab Modified Background by Anna