"alam mo, kaya gusto ko maging clown eh, para makalimutan mo yung past mo, gusto ko palagi kita napapasaya" -- Mitch (Nemo)
Dahil sa sinabi niyang yan, kaya naisipan kong magblog. Ang saya saya ko kasi. Sobrang hindi ako nagkamali sa kanya. Hindi ako nagsisisi na siya yung minahal ko. Sobrang ang dami kong nagustuhan sa kanya pero still, no words can describe how much I love him.
Sobrang unique niyang tao. He makes me smile in a different way. sobrang dami niyang nagawa sa akin na ALL FOR THE FIRST TIME., Kahit napaka-simple lang niyang tao, he's full of surprises. And to imagine, mas-matured ako sa kanya, pero he still manage to make our relationship strong. Isa talaga sa mga nagustuhan ko sa kanya, is his UNIQUENESS. Sobrang unique niya talaga.. Siya lang yung tanging lalaki na nagdala sa akin sa simbahan ng araw ng birthday ko, yung tipong kaming dalawa lang with God. Tapos lahat ng Hello kitty na binigay niya sa akin, pinaghirapan niya talaga, as in with effort - hindi lang basta basta binili. Tapos, magaling din siyang magluto.. so far, Pritong Chicken/bangus, Beefstake saka Sinigang palang yung mga natikman ko, grabe SARAP NIYANG MAGLUTO. (pareho namin fave yung Dinuguan) hehe.. Tapos, super NEIGHBORS lang kami, ang small world, ang lapit na pala niya sa akin pero ngayon ko lang siya nakilala. Ang galing talaga ni Lord.
Isa pa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay yung mga panahong BLUE MOON. Kasi natutuwa ako kasi mataas yung RESPECT niya sa akin. Hindi siya tulad ng iba na ******. Siya, hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayokong gawin. Hindi rin niya ako pinag-babawalan sa mga bagay naman na gusto kong gawin. Ang sarap kasi nagbibigayan kami sa isa't-isa. Isa yan sa mga dahilan kung bakit masaya ako sa relasyon namin., kasi marunong kaming magBIGAYAN sa isa't-isa.
Isa pa pala -- mga SIMPLENG BANAT niya.. Super napapa-ngiti niya talaga ako kapag lagi niya ako sinasabihan ng mga biglaang banat niya sa akin. Parang walang araw na hindi siya bumabanat mapangiti lang niya ako.
And lastly, we're starting to SAVE MONEY. haha.. Just giving it a try para naman may nadudukot kami kapag need namin ng pera.. Saka additional money narin for our 100th day sa January 31. =) hoho.. I'm so in-love with our tandem. maliban sa pareho kaming chubby, pareho rin kaming cute.. hoho.. *shung*
"Take me as I am - take my life I would give it all - I would sacrifice"
0 comments:
Post a Comment